CAUAYAN CITY – Puspusan na ang paghahanda at pagsasanay ng humigit kumulang isang daang Bambanti Dancers ng San Mateo para sa gaganaping Bambanti Festival.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan, kasama ng mga Bambanti dancers na nagsasanay ay ang kanilang mga drummers sa community center ng San Mateo.
Taun-taon na nakikibahagi ang mga dancers sa Bambanti Festival.
Bagamat hindi sila nanalo noong nakaraang taon ay pagsisikapan nilang manalo ngayong taon.
Suportado naman sila ng pamahalaang lokal ng San Mateo at mayroon ding trainors na nagsasanay sa mga Bambanti Dancers na lalahok sa Bambanti Festival.
Kaugnay nito ay pinaghandaan ngayon ng Provincial Government ng Isabela ang Bambanti Festival kung saan magiging tampok ang paligsahan sa pinakamahandang Giant Bambanti at Bambanti Booth kung saan makikita ang iba’t ibang produkto ng bawat bayan.
Mayroon ding mga aanyayahang mga sikat na artista at singers sa bansa.
Gaganapin ang 2018 Bambanti Festival Januray 22-27, 2018.




