Dating barangay kapitan, pinagbabaril patay
CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagsisiyasat ng mga otoridad kaugnay sa pagbaril at pagpatay sa isang dating punong baragay sa Quirino, Isabela.
Naganap ang pamamaril sa Barangay Bantug Roxas.
Ang biktima ay si Ricardo Asis, 57 anyos taong gulang at residente ng Santa Catalina, Quirino, Isabela.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang dating punong baragay kasama ang kanyang driver ay nakasakay sa isang owner type jeep at habang hinihintay nila ang ipinaayos na radiator ay biglang binaril ng dalawang kalalakihan ang biktima.
Tinamaan sa ulo ang dating barangay kapitan na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang ang mga pinaghihinalaan ay mabilis na tumakas matapos ang krimen.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing krimen upang matukoy ang motibo sa insidente.




