--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasawi ang isang dating barangay kagawad matapos pagtatagain sa loob mismo ng kanyang kwarto sa Barangay District 2, Gamu, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Fe Martinez, 74-anyos at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Gamu Police Station nakatanggap ang kanilang himpilan ng tawag hinggil sa pangyayari na agad naman nilang nirespondihan.

Lumalabas sa kanilang paunang imbestigasyon na kaninang umaga nagtaka umano ang hipag ng biktima na si Teresita Martinez na kasama nito sa bahay kung bakit hindi nagising ng maaga at hindi pa bumabangon ang biktima.

--Ads--

Dahil dito nagpasya ang hipag na silipin ang bintana sa kuwarto ng biktima at nagulat ito ng makita ang nakahandusay na katawan ng dating kagawad at mayroon mga bakas ng dugo.

Agad naman na humingi ito ng saklolo sa kanilang kaanak at nang buksan ang pinto ay doon tumambad ang wala ng buhay na katawan biktima.

Nagtamo ng sugat dahil sa pananaga ang biktima sa ulo at leeg.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauaya kay LMB President Alfredo Burkley Jr. ikinalungkot nila ang nasabing pangyayari sapagkat mabait naman ang biktima dahil kasama nila ito noon sa pambarangay na konseho.

May mga agam agam naman sila kaugnay ng naturang krimen dahil sa alam ng suspek kung saan ang switch ng solar lights sa bahay ng biktima.

Dahil sa insidente ay ipinanawagan niya sa pulisya ang paglalagay ng karagdagang mga CCTV cameras sa mga stratigic na lugar.

Nagpaalala din siya sa kaniyang mga kabarangay na huwag basta bastang magtitiwala o magpapasok ng ibang tao sa loob ng bahay lalo na ung mga nagpapanggap na nagebebenta ng kung ano ano tulad ng LPG.