--Ads--

CAUAYAN CITY  – Naaresto ang isang suspek habang nakatakas ang kanyang kasama matapos ang bigo nilang panghoholdap kaninang alas kuwatro ng madaling araw sa apat na  fish vendor sa Alicia-San Mateo road habang patungo sila sa isang palaisdaan sa Salvacion, Alicia, Isabela.

Ang mga biktima  ay sina Rolando Nonan, residente ng Victoria, Alicia, Isabela;  Mario Cayanan, residente ng Santa Cruz, Alicia, Isabela;  Benjamin Guillermo,  residente ng  Centro 1, Angadanan, Isabela; at  Cesar Agsalda, residente ng  Dagupan, Alicia, Isabela na pawang  fish vendor.

Ang suspek na naaresto matapos tumakbo sa palayan  ay si  Rodrigo Manuel,  41 anyos,  may-asawa,  residente ng  Salvacion, Alicia, Isabela at kasamang hindi pa kinilala naa nakasuot ng black jacket, black bonnet at sakay ng Honda XRM na may kulay color black at red.

Dakong 4:30 kaninang madaling araw habang sakay ng tricycle ang mga biktima at patungo sa palaisdaan sa barangay Salvacion ay hinarang sila ng 2 suspek na sakay ng motorsiklo at nagdeklara ng holdap.

--Ads--

Binilisan ng tsuper ng tricycle ang pagpapatakbo at nang makalayo ay itinawag sa mga pulis ang tangkang panghoholdap sa kanila.

Sa mabilis na pagtugon ng mga pulis  ay naaresto  ang isa sa dalawang suspek at nasamsam sa kanya ang isang   cal. 38 na may limang bala, 2 black bonnet, isang  cellphone, isang transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at  isang black sling bag.

Si naaresto na si Rodrigo Manuel ay dating nakulong dahil sa kasong illegal possession of firearms at nakalaya sa bisa ng probation.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Ardee Tion, hepe ng Alicia Police Station na talagang plinano ng mga suspek ang panghoholdap sa mga fish vendor dahil hinarang sila sa daan patungo sa palaisdaan kung saan sila bibili ng mga tilapia.  

Walang nakuha sa kanila ang 2 holdaper dahil sa agad na pagtugon ng mga pulis matapos na tumawag ang mga biktima.

Ang tinig ni PMar Ardee Tion