--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay makaraang barilin ng riding in tandem criminal ang dating board member sa Isabela sa barangay Dagupan.
Ang biktima ay si dating Sangguniang Panlalawigan Member Napoleon Hernandez, 59 anyos, may-asawa at residente ng San Marcos, Isabela.
Si Hernandez kasama ang kanyang maybahay ay lulan ng minamanehong Toyota vios na may plakang A3R 778 at nang nasa nasasakupan na ng barangay Dagupan malapit sa isang resort ay biglang sumulpot ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo at binaril sa driver’s window ng sasakyan ang biktima.
Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa dibdib ang biktima na agad dinala sa pagamutan ngunit binawian ng buhay hapang nilalapatan ng lunas.
--Ads--




