--Ads--

Inamin ng dating Bulacan District Engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na si Henry Alcantara na nakatanggap siya ng mamahaling regalo mula sa kanyang dating District Assistant Engineer na si Brice Hernandez.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Alcantara na mga birthday at Christmas gift umano ang natanggap niyang mga luxury vehicles mula kay Hernandez at ilan pang tauhan.

Kabilang dito ang isang GMC at isang Land Cruiser 300 na ipinagkaloob umano sa kanya noong 2023 o 2024.

Gayunpaman, hindi kumbinsido si Senator Kiko Pangilinan sa kanyang paliwanag, lalo na’t hindi raw ito nagtanong kung saan nanggaling ang perang ipinambili ng mga naturang sasakyan.

--Ads--

Mariin namang itinanggi ni Hernandez na sila ang nagregalo kay Alcantara ng mga luxury cars. Ayon sa kanya, mismong si Alcantara ang humiling nito at ang ipinambili ay galing umano sa komisyon mula sa isang nakuha nilang flood control project.