--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga kasapi ng Reina Mercedes Police Station sa ipinatupad na search warrant ang isang dating tsuper ng Local Government Unit.

Ang search warrant ay ipinatupad sa bahay ni Ruel Abner, 42 anyos, binata, dating tsuper ng Local Government Unit ng Reina Mercedes, Isabela.

Pinangunahan ni P/ Senior Insp. Bruno Palattao, hepe ng Reina Police Station ang pagsisilbi ng search warrant na ipinalabas ni Judge Isaac De Alban ng RTC Branch 16 ilagan City sa bahay ni Abner sa barangay Napakku Pequenio, Reina Mercedes,Isabela.

Nasamsam sa bahay ni Abner ang 3 sachet ng hinihinalang shabu, 4 na plastic sachet na naglaman ng hinihinalang shabu residue at mga drug paraphernalia.

--Ads--

Inihayag pa ni Abner na ang mga nasamsam na illegal na droga sa kanilang bahay ay pag-aari ng kanyang kapatid na nauna na ring nadakip ng pulisya at nakakulong na.

Handa anya siyang sumailalim sa drug test upang mapatunayan na hindi na siya gumagamit ng illegal na droga matapos sumuko sa oplan tokhang noong nakaraang taon.

Inihayag pa ni P/ Senior Insp. Palattao na si Abner ay kabilang sa PNP-PDEA top 10 drug watchlist at maituturing na high value target.