--Ads--
Inaresto ng mga awtoridad si dating South Korean First Lady Kim Keon Hee matapos aprubahan ng Seoul Central District Court ang arrest warrant laban sa kaniya.
Nahaharap ito sa iba’t-ibang krimen gaya ng bribery, stock manipulation at pakikialam sa pagpili ng mga kandidato.
Inaprubahan ng korte ang pag-aresto kay Kim dahil sa banta na maaari nitong manipulahin ang mga ebidensiya laban sa kaniya upang siya ay mapawalang-sala.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa na parehong nakakulong ang dating pangulo at unang ginang.
--Ads--
Ang kaniyang asawa, si dating Pangulong Yoon Suk-Yeol, ay kasalukuyang nakakulong matapos ma-impeach at maalis sa puwesto dahil sa kontrobersyal na deklarasyon ng martial law noong Disyembre 3, 2024.











