--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagpaabot ng pagbati si Atty. Domingo Egon Cayosa kay Atty. Boying Remulla bilang newly appointed secretary ng Department of Justice o DOJ.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Cayosa, dating Pangulo ng IBP, kanyang inihayag ang paniwalang may sapat na background dahil magaling itong abogado at matagal na ring nagsilbi bilang miyembro ng house of representatives .

Umaasa si Atty. Cayosa na sa pamumuno ni Atty. Remulla na maitataguyod ang kanilang kampanya na justice bilis dahil bilang kalihim ng DOJ ay maaari na niyang manduhan ang kaniyang mga fiscal at prosecutors na bilisan at tapusin ang mga nakabinbing criminal cases.

Batay sa pagkakakilala niya kay atty. Remulla, bukas itong makinig sa anumang panig at ipagpapatuloy nito ang anumang magandang plataporma ng DOJ at dahil sa kanyang personalidad naniniwala si Atty. Cayosa na babaguhin niya ang hindi magandang sistema sa loob ng departamento.

--Ads--

Wala ring nakikitang masama si Atty. Cayosa sa pag-upo ng isang dating mambabatas sa DOJ sa halip ay mas makakatulong ito dahil nakikita niya ang kawalan ng hustisya bilang isang dating mambabatas, bentahe rin nito ang pagiging legislator upang makuha ang suporta ng kongreso para sa pagsusulong ng justice bilis.

Bahagi ng pahayag ni Atty. Domingo Cayosa