CAUAYAN CITY – Kilala si Dating Congressman at Atty. Edwin Uy bilang Co-Founder ng Aegis Juris Fraternity sa University of Santo Tomas (UST).
Ito ang naging pahayag sa Bombo Radyo Cauayan ng isang engineer na nagtapos sa UST subalit nakiusap na hindi banggitin ang pangalan sa himpapawid.
Ayon dito, si dating Cong. Edwin Uy ay isa sa mga senior partner ng Divina Law Office.
Inaalam din ngayon ng Bombo Radyo ang impormasyon na may ilang miyembro ng Aegis Juris fraternity na nagtago dito sa Isabela.
Samantala sinikap ng Bombo Radyo Cauayan na makunan ng reaksiyon si Atty. Uy subalit hiniling niya na siya na lamang ang makikipag ugnayan sa ating himpilan.
Magugunitang nauna nang nadawit si Dating Cong. Edwin Uy sa umanoy group chat ng mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa pagkamatay ni Horacio ‘Atio’ Castillo III kung saan pinlano kung paano lulusutan ang krimen.
Ilan naman sa mga abogado na nakaugnayan ng Bombo ang nagsabing kung pagbabatayan ang nakasaad sa group chat ay hindi maituturing na obstruction of justice ang umano’y sinabi ni dating Congressman Uy dahil ito ay mungkahi lamang na bumuo ng crisis committee at makipag-ugnayan sa pamilya ng biktima.




