--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang isang dating LGU employee sa San Andres, Santiago City dahil sa pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.

Ang pinaghihinalaan ay si Reyfel Jan Catacutan, 27-anyos, may asawa, driver, dating LGU employee at residente ng Bannawag Norte, Santiago City.

Sa pagtutulungan ng Station Drug Enforcement Unit ng Station 1, City Drug Enforcement Unit ng Santiago City Police Office (SCPO), Regional Drug Enforcement Unit at PDEA Region 2 ay inilatag ang operasyon laban sa pinaghihinalaan sa isang hotel sa lunsod.

Bitbit ang isang sachet ng hinihinalang shabu ay nakipagtransaksyon si Catacutan sa isang pulis na nagpanggap na buyer katumbas ng P500.

--Ads--

Hindi naman itinanggi ng suspek ang pagkakasangkot sa pagtutulak ng iligal na droga gayundin ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Actof 2002) ang kakaharapin ng pinaghihinalaan na naitala bilang first time offender.

Gayunman ay dati na siyang naging tokhang respondent sa Mangandingay, Cabarroguis, Quirino.