--Ads--

Mas lumakas pa at isa nang tropical storm ang dating Low Pressure Area sa loob ng monitoring domain ng state Weather Bureau sa silngan ng Pilipinas.

Ang bagyo, na bibigyan ng lokal na pangalan na “Caloy” kapag tuluyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), ay namataan sa layong humigit-kumulang 2,800 kilometro sa silangan ng Northeastern Mindanao.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 kilometro kada oras at bugso na umaabot sa 70 kilometro kada oras.

Ayon sa ulat, mababa ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa kalupaan ng Pilipinas dahil sa inaasahang northward trajectory nito, ngunit maaari pa rin itong magdulot ng malalakas na alon sa silangang bahagi ng bansa na posibleng makaapekto sa pangingisda at shipping routes.

--Ads--

Samantala, ang ridge o extension ng high pressure area ang siyang patuloy na nakakaapekto sa malaking bahagi ng Luzon, partikular sa Northern at Central Luzon. Dahil dito, asahan ang mainit at maaraw na panahon sa mga nasabing lugar, at mababa ang tsansa ng pag-ulan. Para naman sa nalalabing bahagi ng bansa kabilang ang Visayas at Mindanao, makararanas pa rin ng mainit at maalinsangang panahon, ngunit may posibilidad ng mga isolated rain showers o localized thunderstorms, lalo na sa hapon o gabi.