--Ads--

CAUAYAN CITY –  Nagpakamatay ang isang dating Ofw ngayon ay manggagawa sa isang manukan sa San Antonio Minit, Echague, Isabela na dumanas ng depression matapos na bigong makabalik sa South Korea.

Ang nagpakamatay ay si Roberto Agot, 29 anyos at residente ng Lasam, Cagayan at pansamantalang nakatira sa bayan ng Echague.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt Geriyell Frogoso, deputy chief of police ng Echague Police Station, sinabi niya na batay sa kanilang pagsisiyasat ay depression ang dahilan ng pagpapakamatay ng binata.

Aniya, dating nagtrabaho sa South Korea si Agot at nais sana niyang bumalik subalit na-deny umano ang kanyang aplikasyon na naging sanhi ng kanyang depression dahil may mga kapatid na pinag-aaral.

--Ads--

Nauna umanong nagtangkang magpakamatay si Agot  dakong alas tres ng hapon noong Lunes subalit naagapan ng kanyang mga kamag-anak.

Ayon pa kay PCaptain Frogoso, nagtatrabaho sa isang manukan sa bayan ng Echague ang biktima at may kapatid din siyang naninirahan doon.

Natuklasan ang nakabiting katawan ng biktima dakong alas diyes ng umaga kahapon  sa likod ng isang gusali.

Ang tinig ni PCapt Geriyell Frogoso