--Ads--

CAUAYAN CITY- Natagpuang wala nang buhay ang isang dating Overseas Filipino Worker matapos barilin ang kanyang sarili sa Bayabo East, Tumauini, Isabela.

Ang bangkay ni Domingo Guzman, 49 anyos at residente ng nasabing lugar ay nakita kaninang umaga ni Jeffrey Ceroma matapos bumibista ng maaga sa kanyang palayan.

Batay sa pagsisiyasat ng Tumauini Police Station, nagkaroon ng pag-aaway kagabi sa pagitan ni Guzman at asawa niya na nagresulta upang saksakin nito ang misis.

Napansin ng asawa nito na may kinakausap na ibang babae si Guzman gamit ang kanyang cellphone.

--Ads--

Agad umalis si Guzman matapos ang pangyayari habang may dalang maliit na uri ng baril.

Ibinunyag naman ng kamag-anak ni Guzman na nauna na siyang nagbanta na kanyang papatayin ang sarili sa oras na masaksak ang sariling asawa.