--Ads--

Pinatawan ng animnapu’t anim (66) na taon na pagkakakulong ng Sandiganbayan si dating Palawan Governor Mario Joel Reyes at ang Provincial Planning and Development Coordinator na si Samuel Madamba II.


Napatunayan ng Sandiganbayan na guilty sina Reyes at Madamba sa labing-isang bilang ng kasong graft kaugnay ng maling paggamit ng P1.53 bilyon na royalties mula sa Malampaya Gas Field noong 2009.


Sa 625-pahinang desisyon ng anti-graft court, sinentensyahan sina Reyes at Madamba na makulong ng mula anim hanggang sampung taon para sa bawat bilang ng kasong katiwalian—na may kabuuang sentensiyang animnapu’t anim na taon na pagkakakulong.


Ang P1.53 bilyon na halaga ng Malampaya Gas Field royalties ay ginastos umano sa pagtatayo ng mga school building, San Vicente Airport Development Project, mga road project, solar home system, at day care center.

--Ads--


Dagdag ng Sandiganbayan, bigo rin sina Reyes at Madamba na isapubliko ang bidding para sa naturang mga government contract.