--Ads--

Papanatilihin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang legal team sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa posibleng pagpapalit ng mga abogado.

May ilang alalahanin mula sa mga kritiko at tagasuporta hinggil sa depensa matapos matukoy ng ICC Pre-Trial Chamber I na kayang lumahok ni Duterte sa confirmation of charges hearing na nakatakdang magsimula sa Pebrero 23.

Ayon kay VP Sara Duterte, hindi papalitan ang legal team ngunit may ibinigay na mga instruksyon ang dating pangulo sa kanyang mga abogado. Hindi binanggit ang detalye ng mga instruction dahil sa pananaw ng bise presidente, hindi ito mahalaga.

Nagpahayag naman si VP Sara ng pasasalamat sa mga tagasuporta ng pamilya Duterte sa kanilang patuloy na suporta mula nang maaresto at dalhin sa The Hague ang dating pangulo noong Marso 11, 2025, kasunod ng arrest warrant mula sa ICC. Inaasahan niya na lalampas pa ng isang taon bago tuluyang matapos ang kaso ni Duterte sa ICC.

--Ads--

Ang warrant ay kaugnay sa imbestigasyon sa kontrobersyal na kampanya kontra-droga ng administrasyon ni Duterte, kung saan higit sa 7,000 katao ang napatay sa mga operasyon.

Ayon sa mga awtoridad, karamihan sa mga napatay ay lumalaban sa pag-aresto, subalit natukoy ng Department of Justice ang ilang iregularidad at lapses sa protocol sa piling kaso.