--Ads--

CAUAYAN CITY – Naniniwala ang isang dating mataas na pinuno ng Scout Ranger Special Forces Regiment na hindi pa rin tuluyang nalulutas ang problema ng extremism at radicalism sa Mindanao.

Ayon sa retired colonel na nagpakilala lamang sa bansag na Col. Musang, sa kabila ng pagkakapatay ng mga matataas na pinuno ng ISIS inspired Maute Group at pagiging tahimik na ng Marawi City ay magpapatuloy pa rin ang suliranin sa radicalism at extremism kaya dapat pa rin itong tutukan ng mga kasapi ng AFP.

Halimbawa na lamang ang mga huling 40 natitirang terorista noon na sa halip na sumuko ay pinili pa rin nilang lumaban hanggang sa kanilang huling hininga.

Tinukoy din niya ang kakayahan ng mga terorista sa paghikayat ng mga batang mandirigma at mga dayuhan upang labanan ang pamahalaan.

--Ads--

Giit pa niya na ito umano ang unang pagkakataon na naranasan ng mga sundalo ng pamahalaan ang urban warfare.

Sa kabila nito ay pinuri rin niya ang mga Scout Ranger, Phil. Marines at Special Action Forces ng PNP sa kanilang ipinamalas na katapangan at kabayanihan.