--Ads--

CAUAYAN CITY – Tapos na ang mga haka-haka na si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang susunod na maging House Speaker dahil sinuportahan niya ang kapartido na si Leyte Congressman Martin Romualdez na susunod na maging Speaker.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Antonio Albano ng 1st district ng Isabela na marami ang sumuporta kay Romualdez na susunod na Speaker ng Kamara.
Lahat aniya ng mga nanalong kongresista sa Isabela ay naghayag ng suporta kay Romualdez.
Maging ang nahalal na partylist representative na si dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon ay sinuportahan si Romualdez.
--Ads--




