--Ads--

Nilinaw ng dating Regional Director ng isang Non-Government Organization na hindi siya ang mga tinutukoy na RD ng mga biktima ng JMT Scam na nanghihingi ng pera upang ma-imbestigahan ang kaso ng pang-iiscam sa Isabela.

Matatandaan na batay sa salaysay ng isang biktima ng naturang Scam na mayroong nagpakilala sa kanilang Regional Director na nanghihingi umano sa kanila ng pera upang masimulan ang pag-iimbestiga sa mga nasa likod ng naturang scam.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alyas Eco, sinabi niya na totoong siya ay naging Regional Director subalit ito ay sa Non-Government Organization na Anti-crime group ngunit ngayon ay Bise Presidente na siya ng People’s Coalition Against Crime and Corruption.

Aniya, force multiplier umano sila ng PNP kaya nakikipag-tulungan sila sa mga awtoridad upang maresolba ang kaso.

--Ads--

Ayon kay Eco, siya mismo ang lumalakad para sa imbestigasyon at nagsasama lamang siya ng dalawang tauhan para mangalap ng mga impormasyon.

Mayroon na aniya silang natukoy na apat perpetrator o recruiter na nanghikayat ng iba na sumali ngunit iginiit nito na maging sila ay biktima lamang din kaya sinisikap nilang matukoy ay mastermind ng naturang scam.

Iginiit niya na siya ay biktima lamang din ng naturang scam kaya hinikayat niya ang iba pang mga biktima na makipagtulungan din upang lumabas ang katotohanan.