--Ads--

CAUAYAN CITY – Boluntaryong sumuko ang dating regular na miyembro ng New Peoples Army sa hanay ng 86th infantry Battalion Philippine Army at kapulisan.

Ang sumuko ay si alyas popoy, matatandaan na nakasagupa ng mga sundalo ang rebeldeng grupo sa barangay San Mariano Sur San Guillermo, Isabela noong ika labing lima ng Marso na nagresulta sa pagkasawi ni alyas Yuni.

Ang pagkasawi ng mataas na lider ng NPA ay nag bunga ng pagkaparalisa ng knailang hanay.

Si Alyas Popoy ay nahikayat na sumapi sa kilusan ni Alyas Andong noong Oktubre 2020 sa Brgy. San Dionisio, Maddela, Quirino.

--Ads--

Ayon sa kanya, may mga ka-tribo pa siyang Agta na naiwan sa kilusan.

Aniya sila ay ginagawang taga-buhat ng mga mabibigat na gamit at ginagawang utusan.

Iginiit pa niya na sila ay ginagamit lamang na pandagdag-pwersa dahil sa patuloy na paghina na pwersa ng NPA.

Sa kasalukuyan si Alyas Popoy ay nasa pangangalaga ng 86IB para sa kaukulang interbensyon ng pamahalaan at pag-propeso ng kanyang benepisyo sa ilalim ng ECLIP.