Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglabas na ng Arrest Warrant ang Ombudsman laban kina Dating Rep. Zaldy Co at lambing pitong (17) iba pa mula sa Department of Public Works of Highways (DPWH) at Sunwest Corp. dahil sa kinakaharap na anomalya sa flood Control Projects.
Aniya ang Arrest Warrants ay batay sa mga ebidensya na inihain ng Independent Commission for Infrastructure ture (ICI) at DPWH.
Pinyuhan din ng Pangulong ang mga Law Enforcement Agency na huwag ng patagalin pa at inaasahang sa mga susunod na oras ay ipapatupad na ang naturang warrants.
Asahan din aniya ng publiko na walang sasantuhin at walang bibigyan ng special treatment.
Siniguro din niya na na tatapusin ang kaniyang sinimulang imbestigasyon sa anomaly sa flood Control at laban sa korapsyon.
Hindi aniya titigil ang ginagawa nilang hakbang kontra korapsyon na kahit napakatagal ay nagbunga na.











