--Ads--

Idineklara ng Sandiganbayan si dating Ako Bicol Rep. Elizaldy Co at tatlong opisyal ng Sunwest Inc. bilang “fugitives from justice”.

Pinaboran ng anti-graft court ang mosyon ng prosekusyon para ideklarang “fugitive from justice” si Co.

Ayon sa korte, maliwanag na nilalayo ni Co ang sarili sa hustisya matapos niyang hindi sundin ang utos ng Kamara na umuwi sa loob ng 10 araw at sa halip ay nagbitiw sa kanyang puwesto.

Hindi rin umano siya sumunod sa mga subpoena at hindi nagsumite ng counter-affidavit sa Ombudsman.

--Ads--

Dahil dito, inutos ng Sandiganbayan ang pagkansela ng passport ni Co upang malimitahan ang kilos nito at maging daan ng pagbabalik niya sa bansa upang harapin ang mga kaso.

Kasabay nito, inutos din ng korte ang pagkansela ng mga passport nina Aderma Alcazar (Board of Directors president/chairman), Cesar Buenaventura (Treasurer) at Noel Cao (Board Member) ng Sunwest Inc. dahil sa umano’y pagtakas sa legal process.