--Ads--

CAUAYAN CITY– Umatras na sa kanyang pagkandidato bilang kongresista ng 4th District ng Isabla si dating Denador at dating DENR Secretary Heherson Alvarez dalawang araw bago ang Halalan.

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dating Senador Alvarez na hindi na niya umano masikmura ang mawalakang bilihan ng boto sa ikaapat na distrito ng Isabela.

Bilang pagbatikos sa malawakang pagbili ng boto ay minabuti na lamang niyang umatras sa kanyang pagkandidato bilang congressman ng 4th district.

Ngunit kanyang nilinaw na ang pag-atras ay hindi pagsuko kundi isa itong paglaban.

--Ads--

Kasabay ng kanyang pagwithdraw sa kanyang kandidatura ay naghain anya siya ng kasong vote buying laban sa kanyang katunggali sa 4th District District.

Tinig ni dating Senador Heherson Alvarez

Si Alvarez ay naghain ng kanyang kandidatura bilang congressman ng 4th District noong October 20, 2018 sa ilalim ng PDP-laban.