Pinangunahan ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, kasama ang grupong The Silent Majority, sa pagsasampa ng bagong kaso ng plunder at graft laban kay Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules, sa Office of the Ombudsman sa Quezon City.
Ang reklamo ay kaugnay sa umano’y mga anomalya sa paggamit ng pondo noong siya ay nagsilbing kalihim ng Department of Education at alkalde ng Davao City.
Ayon kay Trillanes, layunin ng kaso na panagutin si Duterte sa mga alegasyon ng katiwalian at maling pamamahala ng pampublikong yaman.
Matatandaang noong Oktubre 2025, nagsampa rin si Trillanes ng reklamo laban sa dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go kaugnay ng umano’y iregular na paggawad ng bilyong pisong proyekto.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng dating senador upang itulak ang transparency at accountability sa pamahalaan.
Wala pa namang tugon sa isyu ang kampo ni VP Duterte.











