--Ads--

CAUAYAN CITY– Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Ilagan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang dating miyembro ng Philippines matapos masamsaman ng illegal na droga.

Nagsagawa ng operasyon ang magkasanib na puwersa ng Ilagan City Police Station at PDEA region 2 Northern Isabela sa barangay Alibagu, Ilagan City kung saan nadakip ang suspek na si Randy Reccion, 49 anyos at kasalukuyang driver ng LGU Ilagan City at residente ng Osmeña, Ilagan City.

Nakuha kay Reccion ang 6 sachet ng hinihinalang shabu, isang cellphone, buy-bust money at motorsiklo na ginagamit sa kanyang transaksiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Reccion, sinabi niya na ipinadala lamang umano sa kanya ang droga at iniutos na ibenta sa kakilala ngunit nagulat siya dahil mga otoridad ang kanyang katransaksiyon.

--Ads--

Inamin pa ni Reccion na natanggal siya bilang sundalo dahil sa kasong rebelyon at kasong 5 counts ng pagpatay.