--Ads--

Nahuli ang dating US Air Force officer na si Gerald Brown matapos akusahan na nagtaksil sa bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilegal na pagsasanay sa mga Chinese military pilot.

Si Brown, 65, ay dating F-35 instructor pilot na naglingkod sa Air Force ng 24 taon at pinamunuan ang mga combat missions at sensitibong unit. Matapos iwan ang military, naging defence contractor siya at nagturo sa mga US pilot bago umano lumipad sa China noong Disyembre 2023 para sanayin ang mga Chinese pilot.

Ang kontrata niya ay inayos ni Stephen Su Bin, isang Chinese national na dati nang nakulong sa US dahil sa pag-hack ng military secrets para sa China.