--Ads--

Inconsistent ganito ilarawan ng thinktank na IBON Foundation sa datos na nagsasabing tumaas ang bilang ng mgha Pilipino may trabaho at bumama ang bilang ng mga underemployed noong Nobyembre.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay IBON Foundation Chief Executive Director Jose enrique “Sonny” Africa sinabi niya na, maganda mang pakinggan na nababawasan ang mga walang trabaho ay wala itong kinalaman o direktang epekto sa aktuwal na kita ng mga mangagawa.

Sa halip na ipangalandakan ang inconsistent data ay dapat mas bigyang pansin ang dumaraming bilang ng mga naghihirap sa bansa dahil sa mababang kita na hindi na kayang makipag sabayan sa tumataas na bilihin.

Kung talaga aniyang nadagdagan ang may trabaho ay dapat ring mabawasan ang bilang ng mga mahihirap na pilipino taliwas sa mga lumalabas na datos na mas maraming Pilipino na ngayon ang itinuturing ang sarili nila bilang mahirap at food poor.

--Ads--

Para sa kanila mas importante pa ang survey ng SWS kaugnay sa  bumabagal umanong inflation subalit kung walang trabaho at mababa parin ang kita ay patuloy paring magiging mahirap ang mga Pilipino.

Sa ngayon ang Pamilyang Pilipino ay gumagasto na ng humigit kumulang isang libo kada araw napaka layo para sa kasalukuyang minimum wage sa bansa.