--Ads--

CAUAYAN CITY – Napahanga ang batikang composer at record producer na si David Foster sa performance ni Stell ng SB19 sa Manila leg ng David Foster and Friends: HITMAN Tour 2024.

Isa sa mga guest ng batikang American composer and record producer na si Foster si Stell. At bago ito pakantahin ni David, nagkuwento muna ang American music producer tungkol sa kantang aawitin ni Stell.

Lahad niya, nainis daw sa kanya noon ang Canadian singer na si Celine Dion nang i-produce niya “All by Myself” na single nito.

Ayon naman kay Stell isang beses lang siya pinasubok at wala siyang kaalam-alam na kakantahin niya pala ito kasama si Foster.

--Ads--

Aniya hindi rin kasama sa mga kantang kakantahin niya ang “All by Myself” kaya walang practice at isinalang siya kaagad.

Sariwa pa sa mga fans ang kahanga-hangang performance ni Stell Ajero sa birthday concert ni Maestro Ryan Cayabyab.