CAUAYAN CITY – Generally peaceful ang ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbo sa nalalapit na 2025 midterm elections sa Region 2 kahapon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, Public Information Officer ng Police Regional Office 2 o PRO 2, sinabi niya na wala silang na-monitor na untoward incident simula alas-8 ng umaga nang magsimula ang COC filing.
Kabilang sa mga nagbantay sa mga Comelec Offices sa rehiyon ang mga kasapi ng EOD-K9 Unit.
Ayon kay PMaj. Mallillin, bantay-sarado ng pulisya ang mga COMELEC offices kung saan naghahain ng kandidatura ang mga tatakbong pulitiko.
Umaasa naman ang PRO 2 na mas mapababa pa ang maitatalang election related incident sa Rehiyon na bumaba na noong nakaraang halalan batay sa kanilang datos.
Tatagal ang COC filing hanggang Oct. 8, 2024, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.