--Ads--

Itinakda ng Bureau of Customs ang Pebrero 14 bilang bagong deadline sa paghahatid ng tinatayang 130,000 abandonadong balikbayan boxes sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers o OFWs. Ang dating deadline ay Enero 6, ayon kay BOC Deputy Chief of Staff Chris Noel Bendijo.

Ayon kay Bendijo, kumukuha rin ang BOC ng karagdagang logistics companies upang mapabilis ang paghahatid. Ang mga pakete ay idineklara bilang abandonado dahil sa hindi pagbabayad ng buwis ng mga lokal na partner ng shipping firms.

Noong Disyembre 6, 2025, ang 144 container vans na naglalaman ng mga boxes ay ipinamamahagi para sa sorting at delivery sa limang pantalan: Manila International Container Port (88), Cebu (50), Subic (3), Davao (2), at Port of Manila (1).

Inamin ni Bendijo na mahirap ang proseso ng paghahatid at humihingi ng pasensya mula sa mga OFWs.

--Ads--