--Ads--

Natuklasan na hindi kabilang sa listahan ng authorized dealer ng mga lisensyadong manufacturer ng Liqufied Petroleum Gas ang dealer na pinagkukuhanan ng suplay ng nahuling nagbebenta ng illegal LPG  sa Lungsod ng Cauayan.

Matatandaan na nitong Enero 29 ay nabisto ng mga awtoridad ang iligal na pagbebenta ng LPG sa Barangay Baculod, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Avelino Canceran, Hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na dalawang beses na test buy ang isinagawa sa naturang tindahan at dito natuklasan na ilegal ang binebentang LPG ng mga ito dahil sa hindi authentic ang seal nito at kulang sa timbang.

Aniya, mahigpit na minomonitor ng kanilang hanay ang mga ganitong uri ng ilegal na gawain dahil ito ay mapanganib at direktang panloloko sa mga consumer.

--Ads--

Nanawagan naman si PLt. Canceran sa mga mamimili na tangkilikin lamang ang mga awtorisadong LPG upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang buhay sa paggamit nito.