--Ads--

CAUAYAN CITY – Suportado ng pamunuan ng 5th Infantry Division Philippine Army sa Upi, Gamu, Isabela ang pagdeklara ng City of Ilagan Government sa Communist Party of the Philippines New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na persona non-grata o hindi welcome sa kabisera ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Maj. Gen. Pablo Lorenzo, Division Commander ng 5th ID, sinabi niya na una silang nakatanggap ng impormasyon hinggil sa pagdedeklara ng lunsod ng Ilagan na persona non-grata ang mga miyemro ng CPP-NPA-NDF.

Unang nagpatibay ng resolusyon ang maraming barangay sa Lunsod ng Ilagan na ideklarang persona non-grata ang mga rebelde.

Mas lalo aniyang pag-iibayuhin ng Philippine Army (PA) at Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa lunsod para maipatupad ang deklarasyon na persona non-grata ang mga rebelde.

--Ads--

Ayon sa heneral, hindi lamang ito dapat maideklara kundi dapat ipakita at iparamdam sa mga CPP-NPA-NDF na hindi na talaga sila katang-tanggap sa nasabing lunsod.

Hinikayat ni Major Gen Lorenzo ang mga mamamayan na suportahan ang mga isinusulong na hakbang ng pamahalaan para malutas ang insurhensiya sa bansa.

Ang tinig ni Maj Gen. Pablo Lorenzo, commander ng 5th ID, Philippine Army