This handout picture released by the Miraflores Palace press office shows Venezuela's interim President Delcy Rodriguez (L) taking an oath in front of Venezuela's National Assembly President Jorge Rodriguez (R) and Deputy Nicolas Maduro Guerra (C) during a session of the National Assembly in Caracas on January 5, 2026. Venezuela's parliament swore in Delcy Rodriguez as interim president on January 5, two days after US forces seized her predecessor Nicolas Maduro to face trial in New York. Members of the new
--Ads--

Pormal nang nanumpa si Delcy Rodríguez bilang acting president ng Venezuela sa National Assembly noong Lunes, Enero 5. Ang kanyang panunumpa ay isinagawa dalawang araw matapos dakpin ng mga puwersa ng Estados Unidos si dating pangulong Nicolás Maduro, na kasalukuyang nakakulong upang humarap sa paglilitis sa New York.

Pinangunahan ng National Assembly President Jorge Rodríguez, na kanyang kapatid, ang seremonya ng panunumpa. Bago ang kanyang pagkakahirang, si Rodríguez ay nagsilbing bise presidente ng administrasyon ni Maduro.

Ang pag-upo ni Rodríguez sa puwesto ay alinsunod sa kautusan ng Constitutional Chamber ng Korte Suprema ng Venezuela, na nag-atas sa kanya na gampanan ang tungkulin ng acting president upang matiyak ang pagpapatuloy ng pamahalaan, pambansang depensa, at soberanya ng bansa sa gitna ng pagkakadetine ng pangulo.

Si Rodríguez, 56, ay tubong Caracas at anak ng yumaong Jorge Antonio Rodríguez, isang kilalang lider ng Marxist movement sa Venezuela at tagapagtatag ng Socialist League.

--Ads--