--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakarating na ang mga atleta at deligado ng Department of Education o DepEd Region 2 sa Baccara National Comprehensive Highschool sa Ilocos Norte para sa Palarong Pambansa 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Jose Narag ang Sports Coordinator ng DepEd Region 2, sinabi niya na kumpleto na ang 880 delegates.

Aniya, tinatayang 15 bus ang kanilang sinakyan para makarating sa kanilang Billeting quarters sa Palarong Pambansa na gaganapin sa Laoag Ilocos Norte.

Sa katunayan isang buwan matapos ang Cagayan Valley Regional Athletics Association o CAVRAA meet 2025 sa Santiago City ay agad na nagsanay ang bawat Division Office ng Region 2 para sa Palarong Pambansa.

--Ads--

Tumagal ng tatlong Linggo ang paghahanda ng bawat qualified athletes ng bawat dibisyon na nagkaniya kaniya rin ng in-house training.

Nakita nila na mas naging epektibo ang per division na in-house training dahil nabibigyan ng pagkakataon ang mga tleta na makauwi sa kanilang mga bahay.

May ilang atleta at deligasyon din sa Region 2 ang gumamit ng foreign coaches.

Aasahan naman na magsisimula na bukas ang pag familiarize ng mga atleta sa mga sporting venue bago ang opening program sa May 24 ng hapon.

Bilang paghahanda sa mainit na panahon ay naglatag sila ng contingency plan, magbibigay sila ng portable fans at tumblers para malabanan ang posibelng epekto ng heat stroke dulot ng mainit na panahon.

Samanatala, ang mga atletang hahakot ng medalya ay tatanggap ng incentives kung saan balak ng DepEd Region 2 na magbigay ng anim na libong piso sa kada gintong medalya para sa individual at team events.