--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasanay na sa Davao City ang 23 na atleta ng Cauayan City na lalahok sa Palarong Pambansa 2019.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Jun Flores, sports coordinator ng Schools Division Office (SDO) ng Department of Education (DepEd) Cauayan City, sinabi niya na maagang nagtungo sa Davao City ang mga atleta ng region 2 para magkaroon ng pagsasanay at maka-adapt sa klima roon.

Bumiyahe ang delegasyon ng region 2 noong April 16, 2019 para makapagsanay sila sa venue ng Palarong Pambansa na gaganapin sa April 27 hanggang May 4, 2019.

Umaasa si Mr. Flores na makapag-ambag ng medalya ang mga atleta ng Cauayan City dahil gumamit sila ng mga bagong kagamitan sa pagsasanay na naaayon sa standard ng palarong pambansa.

--Ads--

Sa nakaraang Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2019 ay nagwagi ang mga atleta ng Cauayan City ng mga medalya sa tennis, gymnastics, arnis, pencak silat, taekwondo at sepak takraw.

Dalawang basketball player ng Cauayan City ang napiling kakatawan sa region 2 sa Palarong Pambansa.

Ang tinig ni Mr. Jun Flores

Tiniyak din ni Mr. Flores na may food committee na magbabantay sa kinakain at iniinom ng mga manlalaro para hindi sila makaranas ng pananakit ng tiyan.