Gumulong na sa Kamara ang deliberasyon para sa P6.793 trillion national budget sa susunod na taon.
Ang nasabing budget ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa.
Sa kanyang opening speech, sinabi ni Nueva Ecija 1st District Rep. Mika Suansing, chairman ng House Committee on Appropriations na ang 2026 budget ay nakasentro sa taumbayan kung saan prayoridad ang edukasyon, healthcare at trabaho.
Tiniyak ni Suansing na ang aaprubahang budget ay magreresulta sa pagkaroon ng maayos na pamumuhay ng bawat Filipino.
Bukas ang magiging proseso sa pagpasa sa 2026 budget, ilan sa repoprma na gagawin ay ang pagtanggal sa ‘small committee,’ ang pagsasapubliko sa bicameral conference committee proceedings at magiging bahagi din ang civil society sa budget process.
Target ng Kamara na maipasa ang budget sa Oktubre.









