--Ads--

CAUAYAN CITY-Tinitiyak ng awtoridad na magiging ligtas at hindi malalapitan ng sinumang hindi otorisado ang mga election paraphernalia sa Lungsod ng Cauayan na nakatakdang ilipat sa 54 voting centers ngayong araw.

Kaugnay nito ay isasara ng 18 oras ang corner ng Burgos Street, District 2 Cauayan City upang tiyakin ang seguridad ng mga election paraphernalia sa lungsod.

Mananatiling naka sara ito mula pa alas-6 kahapon hanggang mamayang alas 12 ng tanghali.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Public Order and Safety Division Chief Pilarito Mallillin, sinabi niya na nakatanggap sila ng sulat mula sa Commission on Election na nag-aatas sa POSD na tiyaking walang makakadaan sa kalsada sa mga nabanggit na oras dahil kinakailangan ng Comelec na maghakot ng Automated Counting Machine (ACM) para sa gagawing Final Testing and Sealing.

--Ads--

Maging ang 5 truck na maghahakot ng ACM at ballot boxes ay titiyaking mayroong canopies o tent at hindi rin ito malalapitan ng mga residente sa lugar.

Ang mga naninirahan naman sa corner ng Burgos Street ay pinapayuhan na pansamantalang maglakad na lamang muna kung lalabas dahil hindi pahihintulutan ang anumang sasakyan na makalapit sa lugar .