--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ng pamunuan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mayroon pa ring nangyayaring timber poaching sa mga kabundukan sa Isabela sa kabila ng mahigpit nilang kampanya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Marlon Agnar, sinabi niya na may mga nahuhuli pa rin silang illegal na nilagareng kahoy sa mga isinasagawa nilang checkpoint.

Gayunman naniniwala sila na ang maraming kahoy na naanod sa Abuan River sa Cabisera 10, City of Ilagan noong kasagsagan ng pagbaha ay hindi sinadyang pinutol dahil buong kahoy ang mga ito at may mga ugat at sanga pa.

Maari aniyang nagkaroon ng pagguho ng lupa  sa mga gilid ng ilog at bundok at naanod ang mga kahoy.

--Ads--

Ayon pa kay PENRO Agnar, may mga lumang kahoy din silang nakita na maaring natumba sa mga nagdaang bagyo.

Ang tinig ni PENRO Marlon Agnar