--Ads--

Hinimok ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Isabela ang publiko na makiisa sa isasagawang Earth Hour sa araw ng Sabado, ika-dalawamput tatlo ng Marso, 2024.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Environment and Natural Resources Officer Orly Cariazo hinimok ang sambayanang Pilipino na lumahok sa aktibidad na may global tagline na use your power to change climate change.

Simula nong 2009 hanggang 2013 ay kinilalang Earth Hour Hero Country ang Pilipinas dahil sa mahigpit na pagkikiisa sa kampanya na para na rin sa susunod na henerasyon.

Mahalaga na magkaloob ang mga tao sa mundo ng kahit ilang sandali na pagpapakita ng pangangalaga at pagmamahal sa daigdig.

--Ads--

Itong ay sa pamamagitan ng Earth Hour, o isang oras na lights off, o pagpatay ng ilaw, bawat taon.

Simula noong 2007 ay isinasagawa ang Earth Hour tuwing huling sabado ng Marso.

Aniya ang Earth Hour ay hindi lamang pagpatay ng mga ilaw kundi marami pang maaring gawin upang matulungan ang kalikasan.

Ang Earth Hour ay pagpapaalala na may magagawa ang tao para matulungan ang kalikasan at huwag lamang aniyang gawin ito tuwing Earth Hour ngunit sa araw-araw.

Aniya kailangan ng kalikasan ang tulong hindi lamang isang oras sa isang taon kundi sa abot ng ating makakaya.

Bagama’t tila maliit lamang ang isang oras, isipin sana ng lahat ang sama-samang epekto kung ang bawat isa ay gagawin ito ng isang oras para sa pagpapaunlad ng positibong pagbabago sa kapaligiran.