--Ads--

CAUAYAN CITY – Tinitiyak ng Department of Enviroment and Natural Resources o DENR Region 2 na dredging lamang ang isinasagawa  ng mga pribadong kompanya sa Cagayan River at hindi pagmimina .

Sa ngayon ay nasa phase one ang dredging activity sa  Cagayan River ng dalawang private investors na nakakumpleto na ng kanilang papeles habang ang walong private investors ay kinokompleto pa ang kanilang mga papeles para makapag-operate.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR region 2 na mahal ang gastusin sa pagsasagawa ng dredging operations kayat hinikayat nila ang mga private companies na magsasagawa nito.

Sinabi ni Regional Executive Director Bambalan na ang  Cagayan Restoration Program ay bahagi pa rin ng isang national program na Build Back Better ng DENR na pinamumunuan ni Kalhim Roy Cimatu at Co-Chairman nito sa DPWH Secretary Mark Villar.

--Ads--

Anya ang Cagayan river ay maituturing nang heavily silted kayat kailangan nang magsagawa ng dredging batay na rin sa kautusan ni Kalihim Cimatu.

Sa Cagayan, ang namumuno sa inter-agency committee for Cagayan River Restoration ay si Punong Lalawigan Manuel Mamba ng Cagayan.

Ang dredging operation ay napakamahal kayat kumuha ng mga private investors para tumulong na magtanggal ng silt and sand sa Cagayan River nang walang babayaran ang pamahalaan.

Bilang kapalit anya ay kung anuman ang economic and non-economic value ng makukuhang buhangin o sand ay ibibigay  sa mga private investors sa kondisyong ilalabas sa pilipinas ang mga ito at walang mangyayaring processing sa Cagayan River

Walang babayaran ang pamahalaan sa mga private investors na magsasagawa dredging sa Cagayan River ngunit sisingilin sila ng pamahalaan ng excise tax  at umabot na sa anim na milyong piso ang  kanilang  binayaran.

Tiniyak naman ni Regional Executive Director Bambalan na palaging nagsasagawa ng inspection ang kanilang mga mining engineer sa  mga vessels  ng mga private investors upang matiyak na hindi sila magmimina sa Cagayan River

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan