--Ads--

CAUAYAN CITY – Inamin ng Department of Education (DepEd) region 2 na nasaktan sila sa mga naging pahayag ni Governor Manny Mamba ng Cagayan na ‘ang mga guro ay nag-eenjoy na sumasahod kahit walang ginagawa’.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Amir Aquino, head ng Public Affairs Unit ng DepEd region 2, sinabi niya na  naglabas saloobin ang mga guro at head ng iba’t ibang schools division offices kaugnay sa nasabing pahayag ng gobernador.

Aniya, hindi naging maganda ang pagtanggap ng maraming guro sa kontrobersiyal na pahayag ng gobernador ng Cagayan.

Ayon kay Ginoong Mateo, bagamat nagdamdam sila ay hindi sila gagawa ng marahas na hakbang para maiparating ang kanilang saloobin sa halip ay nagpakita sila ng pakikisimpatiya at pagsuporta sa mga guro upang magsilbi silang inspirasyon sa pagbubukas ng klase ngayong araw ng Lunes.

--Ads--

Iginiit pa niya na mula noong enrollment noong buwan ng Hunyo ay nagsimula na rin ang trabaho ng mga guro at makikita naman sa mga sa social media, pahayagan, telebisyon at naririnig sa radyo ng  publiko ang naging paghahanda ng mga learning modules ng mga guro para sa muling pagbubukas ng klase sa gitna ng ng COVID-19 pandemic sa  bansa.

Sa katunayan aniya ay nag-ikot at nagsagawa sila ng dry run para masuri at matiyak na nakahanda na ang lahat ng mga kailangan ng mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase ngayoing araw.

Ang pahayag ni Mr. Amir Aquino.