
CAUAYAN CITY – Hinihikayat ng Department of Agriculture o DA ang mga magsasaka na subukan ang organic farming.
Sa ginanap na 6th Regional Organic Agriculture Congress sa lunsod ng Ilagan, sinabi ni ENGR. ZAMZAMIN AMPATUAN, UNDERSECRETARY FOR SPECIAL CONCERN ng DA na napakahalaga ang organic agriculture para sa food security dahil isa sa elemento nito ay nutrition o ang tamang pangangailangan ng katawan ng isang tao.
Kung synthetic fertilizer aniya ang gagamitin sa pagtatanim ay hindi maganda ang magiging epekto sa katawan ng isang tao.
Maganda aniya ang organic farming lalo na sa kalusugan ng mga tao kaya dapat tingnan ng mga magsasaka ang mas maayos na pwede nilang gamitin.
Bagamat hindi pa ito magagawa sa ngayon ay unti-untiin at ipagpatuloy lang kahit gaano pa ito kahirap.










