--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang ginagawang monitoring ng Department of Tourism Region 2 sa mga umuusbong na Tourist Destinations sa Lambak ng Cagayan.

Ito ay upang masiguro na nasusunod ng mga naturang pasyalan ang mga panuntunan para sa convenience at kaligtasan ng mga turista.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Dr. Troy Alexander Miano ng DOT Region 2, inamin niya na nahihirapan silang I-monitor ang mga private tourist destination dahil sa hindi na ito sakop ng Local Government Unit hindi gaya sa mga pampublikong pasyalan.

Gayunpaman ay binibinista na lamang nito ang mga tourist spot sa Rehiyon para makita ang kalagayan ng lugar at upang makapagbigay na rin ng suhestiyon para sa ikagaganda pa nito.

--Ads--

Pangunahin naman nilang tinitingnan ang mga Comfort Rooms at Security ng mga pasyalan lalo na kung umaabot hanggang sa gabi ang operasyon ng mga ito.

Sa ngayon ay wala pa naman silang mga na-momonitor na lumalabag sa batas at panuntunan.

Malaking hamon naman para sa Turismo ng Cagayan Valley ang mabigat na daloy ng trapiko na kadalasang nararanasan sa Entrance at Exit Points ng Rehiyon partikular sa bahagi ng Nueva Vizcaya.

Mayroon naman na aniyang alternate route sa ilang mga lugar ngunit kinakailangan pa umano itong pagandahin at pagtuunan ng pansin.