--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang Department of Education o DEPED Isabela para sa isasagawang National Learning Camp na magsisimula sa unang araw ng Hulyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Inocencio Balag, Officer in Charge ng National Learning Camp ng DEPED Isabela sinabi niya na ang National Learning Camp ay isang comprehensive learning recovery program ng Kagawaran na layuning masuportahan ang mga mag-aaral at guro sa learning losses na dulot ng nagdaang covid 19 pandemic.

Ang National Learning Camp o NLC ay isang magandang opurtunidad upang matuto at mas mahubog ang mga mag-aaral sa asignaturang English, Mathematics at Science.

Isinasagawa ng DEPED ang tatlong camp na kinabibilangan ng Enhancement Camp na para sa mga advance  learners; Consolidation Camp na nakapokus naman sa paglinang at paglapat ng mga naituro nang aralin sa mga mag-aaral. Pagkakataon ito upang ma-I-consolidate ang mga mag-aaral sa kanilang pag-unawa sa mga learning competencies.

--Ads--

Ang Intervention Camp naman ay para sa mga mag-aaral na mas nangangailangan ng tulong sa foundational skills sa mathematics at english. Matutulungan dito ang mga mag-aaral na makayanang makipagsabayan sa antas ng kakayahan ng kanilang kamag-aral.

Sa unang implementasyon ng National Learning Camp ay Grade 7 at 8 lamang ang kabilang ngunit sa ngayon ay mula grade 1 hanggang grade 6 na at kabilang na rin ang junior high school.

Magsisimula ang camp sa unang araw hanggang ikalabing siyam ng Hulyo at ito ay boluntaryo lamang na lalahukan ng mga mag-aaral at guro bagamat mayroon naman silang matatanggap na meal expenses at service credits.