thumbnail - _thumbnail
--Ads--

Nagbigay ng paglilinaw ang Department of Education (DepEd) Isabela sa batayan ng pagsuspinde ng klase kapag nakataas ang Rainfall Warning sa Lalawigan.

Ito ay matapos magdulot ng kalituhan sa publiko ang inilabas na Weather Advisory ng DOST PAGASA kung saan nakasailalim sa orange warning ang buong lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Division DRRM Coordinator Kris Dela Cruz ng DepEd Isabela, sinabi niya na Rainfall Warning ang ang ginagawa nilang basehan sa pagsuspinde ng klase at hindi Rainfall Advisory.

Sa ilalim ng DedEd Order No. 22 series of 2024, kapag naglabas ng Rainfall Warning ang DOST Pagasa at nasa orange category ang isang lugar ay awtomatiko ang suspensiyon ng klase mula sa Kindergarten hanggang Senior High School.

--Ads--

Kapag yellow warning naman ay hindi awtomaiko ang suspensiyon ngunit may authority ang mga School heads na magkansela ng klase kung may banta sa kaligtasan ng mga mag-aaral at Guro ang nararanasang pag-ulan.

Nilinaw naman niya na kahit hindi nakasama sa isang lugar sa mga nakasailalim sa rainfall warning kung mayroon namang risk sa pagpasok ng mga bata gaya na lamang sa pagtawid ng ilog o dili kaya’y nagka-landslide sa kanilang lugar ay maaaring magkaroon ng supension of classes dahil isaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Samantala, pagdating naman sa suspensiyon ng klase tuwing may bagyo ay awtomatikong kanselado ang klase ng mga kindergarten kapag may Tropical Cyclone Wind Signal Number #1, Kindergarten hanggang Junio High School naman kapag Signal #2 habang supendido naman ang pasok ng lahat ng antas maging ng mga empleyado kapag Signal #3.

Kahit may kanselasyon ng klase ay tuloy-tuloy pa rin ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil mayroon namang mga modules na ibinibigay sa kanila.

Magsasagawa naman ng training ang naturang ahensya sa mga School Heads kung saan tatalakayin ang DedEd Order No. 22 series of 2024.