CAUAYAN CITY – Ikinatuwa ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd Isabela ang magandang bilang mga mga-aaral na nakapagpa-enroll na ngyaong school year 2024-2025.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Timoteo Bahiwal, ang tagapagsalita ng DepEd Isabela, sinabi niya na nagsimula na ang enrollment para sa mga pampublikong paaralan sa buong Bansa.
Umabot na sa 17,000 ang total enrollees ng DepEd Isabela sa unang dalawang araw ng enrollment.
Inaasahan ng DepEd Isabela na mapapanatili nila ang 293,443 number of enrollees ngayong school year.
Sa katunayan aniya ay maayos ang enrollment at walang naitatalang anumang problema ang Kagawaran habang kasalukuyan ang ginagawang paghahanda ng bawat opisyal at mga guro para sa National Cleaning Camp na bahagi ng Brigada Eskwela.
Kabilang sa focus ngayon ay ang assestment ng mga school buildings at electrical wirings kasabay ng malawakang clean up drive, Traffic Management at Public Health and Safety.
Nabigyan narin nila ng mandato ang bawat school heads para mag set up ng Oplan Balik Eskwela katuwang ang Bureau of Fire Protection.
Sumasailalim narin sa training ang ilang Guro sa ilalim ng Matatag curriculum.