Naghahanda na ang mga paaralan sa buong bansa para sa pagpapatupad ng three-term school calendar sa School Year 2026–2027, habang nagsasagawa ang Department of Education (DepEd) ng serye ng orientation para sa mga guro at school leaders.
Layunin ng hakbang na maagang maihanda ang mga paaralan sa mga reporma sa learning system at matiyak ang maayos na implementasyon ng bagong polisiya.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, mahalaga ang mga orientation upang malinaw na maunawaan ng mga guro at school officials ang mga pagbabago bago ito ipatupad.
Kabilang sa tinalakay ang three-term calendar, bagong assessment at grading system, pinatibay na Senior High School curriculum, flexible learning programs, at updated lesson planning guidelines.
Patuloy ang isinasagawang orientation sa iba’t ibang rehiyon bilang bahagi ng phased approach ng DepEd para sa mas maayos na transisyon sa bagong school calendar.











