--Ads--

CAUAYAN CITY – All systems go na ang buong Department of Education region 2 sa pagbubukas ng klase sa araw ng Lunes, October 5, 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Amir Aquino, Head ng Public affairs unit ng DepEd region 2, sinabi niya na nauna nang naglatag ng ilang hakbangin ang kagawaran bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase noong August 24, 2020 subalit nang maipagpaliban ay mas nabigyan pa ang kagawaran ng pagkakataong mapalawig ang kanilang paghahanda.

Una nang nagsagawa ng dry run ang Deped Region 2 noong buwan ng Mayo hangang buwan nang Hulyo na magiging batayan ng kagawaran para matukoy kung anong mode of learning ang nangangailangang marepaso.

Ayon kay G. Aquino may listahan ang DepEd kung ilang bahagdan ang mga pumili ng modular, online,Radio at TV based learning.

--Ads--

May susundin na class schedule ang mga mag-aaral para matiyak ang maayos na pag-aaral.

Aasahang pormal na magbubukas ang klase sa araw ng Lunes, October 5, 2020 pagkatapos ang itinakdang dalawang oras na national kick off ng Deped.

Tiniyak naman niya na may kanya-kaniyang pamamaraan ang mga Guro para makita ang output ng kanilang mga estudyante sa kabila ng panuntunang ipinapatupad para sa new normal.

Ayon kay G. Aquino hindi muna pagtutuunan ng pansin ang susunding grading system at pagsasagawa ng periodic examinations dahil mas prayuridad ng DepEd na matiyak na makakamit ng mga mag-aaral ang itinakdang competency para makapasa sa susunod na baitang o level of education.

Tinig ni G. Amir Aquino, Head ng Public affairs unit ng DepEd region 2