CAUAYAN CITY – Isinailalim ngayong araw sa workplace lockdown ang tanggapan ng Department of Education Region 2 dahil sa tatlong kawani na nagpositibo sa COVID-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2 na humiling sila ng pahintulot mula kay Kalihim Leonor Briones ng DepEd na bigyan ng kapangyarihan ang panrehiyong direktor na magdeklara ng workplace lockdown simula ngayong araw hanggang araw ng Miyerkules.
Nagsimula naman noong araw ng Sabado ang disinfection sa kanilang tanggapan upang matiyak ang mga papasok para magtrabaho.
Sinabi pa ni Ginoong Aquino na magkakaroon ng skeletal workforce ang mga essential services tulad ng Health, Finance at tanggapan ng panrehiyong director.