CAUAYAN CITY – Gagamit ng blended learning ang Schools Division Office (SDO) ng Batanes sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng klase sa ika-5 ng Oktobre 2020.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Eduardo Escorpiso Jr., Schools Division Superintendent ng Department of Education (DepEd) Batanes na nakahanda na ang mga paaralan sa lalawigan sa kanilang self-learning modules na ipapamahagi sa mga mag-aaral.
Sinabi pa ni Dr. Escorpiso na noong COVID-19 free pa ang Batanes ay nais nilang imungkahi ang face-to-face learning ngunit hindi na nila itinuloy matapos manindigan si Pangulong Rodrigo Duterte Pangulo na wala munang face-to-face classes sa buong bansa.
Sang-ayon ang mga opisyal at mga guro ng SDO Batanes na blended learning ang gagamitin sa pagtuturo.
Nakagpasunduan na ng mga guro at mga magulang ang gagawing pagtuturo sa mga batang mag-aaral.
Sinabi ni Dr. Escorpiso na wala namang problema sa pamamagi ng mga learning materials sa mga mag-aaral dahil magkakalapit lamang ang kanilang mga lugar.
Ang hamon lamang sa kanila ay ang pakikipagtulungan ng mga magulang at komunidad sa pag-aaral ng mga bata at ang pagkakatala na ng unang kaso ng COVID-19 positive sa Batanes.












